Wednesday, March 19, 2014

Pasensiya

I
 Mahirap isiping kalimutan, 
              ang lahat.
 Magbago't magsimulang muli,
              sa umpisa.
 Nakaka-inis ba't nang yari
 sa taon ng ating pagsasama.

II
 Ako may nagbago,
 naging suplado't mayabang
 nagpapanggap na walang paki,
 luma-layo tuwing nariyan ka.

III
 Ngiti mo'y, ngiti ko rin
 kahit malayo ang tingin
 sanay intindihin mo naman 
 aking sinta, nais kulang ay
 karamay sa matalik nating 
 kaibigan na lumipas.

IV 
 Sana'y  maalala mo parin
          ang lahat.

No comments:

Post a Comment